Monday, January 19, 2009

Subukan lang ito.

Opa, ikaw ang inisip ko kaya ganito ang entry ko, haha. Special request mo kasi eh.


Matigas talaga ulo ko. Mahirap pigilan, pero tulad nga ng sinabi ko dati, makulit talaga ako. Susubukan ulit natin. Pero syempre, malamang may kapalit yan. Tingnan ko muna.


Ang daming beses mong maririnig sa iba't ibang tao sa iba't ibang okasyon ang mga salitang "I miss you." Madalas sincere, pero minsan may mga times na sinasabi ito dahil wala nang ibang masabi. Di naman kayo close, so bakit mo naman sasabihin yun? Hahaha, kasi parang nawawalan na ng essence yung pagsabi eh. Pero nakakatuwa talaga makita pag sinasabi ng tao kapag sincere siya. Makikita mo sa mata at maririnig sa tono ng boses.


Matapos ang halos limang taon, ngayon ko lang napalipat ang thesis ko from VHS. Ano ba naman yan, napaka-old school. VHS. Ang obsolete na, hahaha. Ang nakakatawa pa, nung pinanood ko ulit siya last year, hindi ko napansin na recycled lang pala ang video cassette na yun. May pelikula pang pinatungan para lang ma-record ang thesis namin. Pero kamusta naman ang pagka-label ng cassette. Yung makapal na masking tape ang ginamit para dun sa main label, at may erasure pa. Hahaha. Napaka-tempting na ipa-request na palitan yung label, o maski ako na lang ang magpalit, wahahaha.

Pinanood ko ulit kahapon yung buong video. Nung huling beses kong pinanood, ang iniisip ko ang mga notes, ang mga pwede pang gawin sa show na yun. At syempre ang mga alaalala kasama ang mga kwela na taong yun. Mga simula ng mga pagkakaibigan, at ang pag-usbong ng karir sa mga iilan sa kanila. Pero hindi ito yung mga iniisip ko habang pinanood ko ulit siya. Ngayon ko lang na-enjoy ang pagpapanood doon. Tawa ako ng tawa sa mga nakalimutan na linya (at hello, sung-through na musical ito ha), mga nakalimutan na sayaw, at mga nuances na hindi mo mapapansin sa simula. Patapos na ang unang yugto (Act 1?) nung napansin ko na ang lakas na pala ng halakhak ko habang mag-isa sa kwarto ko.

Tamad pa akong i-edit at i-upload ang video para sa mga nag-aabang na makita ito. Pero sana this week o next week, maaayos ko na.


Nung Huwebes, nagkasalubong kami ni Nar sa lobby ng Little Theater matapos ng 3pm show ng Pamaypay, Kutsilyo at Yantok. Nanggaling siya sa Atlantis nung umaga at ako naman ay nagpapalipas ng oras habang pinapa-transfer ang thesis ko. Ang sabi pa niya sakin ay magkapareho daw kami ng aura ni Lawyn at magkamukha pa kami. Ahehehe, ang nasagot ko lang sa kanya ay dahil magkakilala na kami nung grade school pa (grade 7 ako at grade 5 si Lawyn). At nung unang pasok niya sa CSB, pinagtripan namin ang mga kakilala namin (pati isang prof) na magkapatid kami. Kamusta naman at naniwala sila dahil magkapareho daw kami ng mata. Hanggang ngayon pala ay papasa pa rin kaming magkapatid.


May kasalan nanaman sa Biyernes. Ikakasal na ang kabarkada naming si PJ kay Joy. Nakakatawa dahil hindi si PJ ang na-expect ko na isa sa mga mauunang ikakasal sa barkada. Natatawa din ako dahil si Seph talaga ang tinatawag na "perennial best man" ng barkada. Mukhang lagi siyang maghahanda ng best man speech sa kasal ng bawat lalaki sa barkada, kung balak talaga nilang magpakasal, ahehehe.

At dahil malapit na rin naman ang lugar, yun na rin ang pagkakataon na bumisita sa aming alma mater. Sa tagal naming nawala, ngayon pa lang kami babalik. Sabi nga ni Brother Ceci nung tinext ko siya nung isang linggo, "Welcome home!" Sana nga "welcome home" nga ang pakiramdam pag pumunta kami dun. Parang sobrang dami na ng pagbabagong pinagdaanan ng De La Salle Zobel matapos ang sampung taon naming nawala.

20 comments:

  1. Hehehe weird nga na "perennial best man" si Seph everytime may kasal since si PJ ang pa lang ang unang ikakasal sa barkada :D

    Di bale kung ako si Josh ang pipiliin ko para maiba naman wahahaha though i have a feeling na walang susunod kay PJ for a very long time :P

    ReplyDelete
  2. OMFG~! this... this whole blog is in effin TAGALOG~!!!

    ReplyDelete
  3. Oo nga eh, first time pa lang ito sa barkada na lalaki. Alangan naman kunin ko rin na best man si Seph pag kinasal ako, ahahaha.

    Mukha ngang wala pang susunod kay PJ. Tagal pa yan. =P

    ReplyDelete
  4. HAHAHAHA! I gotta hear you read this out loud. =P

    ReplyDelete
  5. pano nga pala ngangyari to? E una palang naman ito diba?

    ReplyDelete
  6. Parang alam ko kung bakit, hehehe... Siguraduhin mo lang maaga sila magplano ;p

    ReplyDelete
  7. Wahehe actually para maiba lang talaga :D Ikaw na ata susunod e. Ano si seph rin ba ang Best Man hehe jk :D

    ReplyDelete
  8. DI rin naman masasabi, marami pwedeng mangyari sa loob ng 2 taon...

    ReplyDelete
  9. Nosebleed ang entry na ito. Sumakit ang ulo ko. Hahahaha!
    Teka... Magkamukha ba kayo ni Lawyn?

    Uy. Oo nga. Freaky.

    ReplyDelete
  10. okay! meron kang star galing sa akin for making an A-ffort na mag-blog na gamit ang ating pambansang wika.

    magkakaroon ka ng triple star kapag wala kang mai-susulat na kahit isang ingles na salita. as in strictly Filipino. wahahaha! go betamax!!!...este VHS with the masking tape...with erasure. hahahaha!

    congrats!!!

    ReplyDelete
  11. Napag-usapan lang nung nag-uumaga na kila Carlo. Di ko rin malaman kung bakit, hahaha.

    ReplyDelete
  12. Hahaha, di ko alam. Di naman kami magkamukha diyan sa pic na yan eh.

    ReplyDelete
  13. Shet, di ko na mukukuha yang triple star na yan, hahaha. Ako na mismo ang magkaka-nosebleed, hahaha!

    Grabe, panalo talaga yung VHS with masking tape and erasure na yun. Mahiram nga ulit at makunan ng picture, hahaha.

    ReplyDelete
  14. Kahit sa loob ng 9 na buwan meron na pwede mangyari diba? ;p

    ReplyDelete