Wednesday, August 24, 2011
Meet another cast member in TP's Noli Me Tangere.
Tuesday, August 23, 2011
Gian Magdangal as Crisostomo Ibarra in TP's Noli Me Tangere.
So I heard that this is your first Filipino musical?
Yes, first Tagalog musical. Ah hindi, hindi naman first na first, pero first with lines. (laughs) Parang ganun na rin diba?
What did you do to prepare for your role as Ibarra?
Ay naku, I had to read the novel in English. Be familiar with the story and... actually talagang musical review, I mean [story] review the whole thing, so that I can get a better understanding. But when it came to music, in preparation for that, I could trust my music rehearsals, and the director.
Do you find any similarities between you and your character?
Oh yeah. Mestizo (laughs). Siguro ano na rin, I’m also a balikbayan. But wala naman akong bad news na natanggap pag-uwi ko, or something like that. Pero yung pagmulat na pag uwi ko na ganito na nga pala yung bansa natin, or yung like every time I go out of the country and come back, in that sense, I’d be able to see what’s happening or what’s not happening to our country. Pag landing mo pa lang ng airport diba, parang ganun yung dating, na nagfa-flashback yung buong thought of Noli Me Tangere, in that sense. Hindi naman ako mayaman. Hindi ako mayaman kagaya nila Don Rafael. Hindi ganun yung daddy ko, so hindi kami nagrerelate sa ganung aspect. But I think with someone who graduated college, parang... hindi naman sa pagmayabang o pagbuhat ng bangko, pero siguro compared to the mas nakakaraming Pilipino na hindi nakaaral, like nung masa na hindi lahat sila nakapagtapos... I think in that aspect, I can see my character. I can see that education is a big deal for most of our Filipinos who need it.
What’s the most challenging thing you had to do?
In rehearsals, the most challenging was to be on time. (laughs) No, hindi naman! Siguro it was really to grasp the whole Tagalog bit kasi I really think in English, but I had to really think in Tagalog this time, for this musical and especially with the words and how it’s constructed in such a way that you really had to sound Tagalog, para authentic.
Any memorable experience so far?
So far, my memorable experience in this musical is muntikan ko nang masaksak si Kuya Bodjie ng kutsilyo (by accident). Sabi niya, occupational hazard yun, and the great Kuya Bodjie as one of my idols, parang memorable na yun na parang to control.
How do you balance showbiz and theatre?
If you want it, you will make it happen. I really wanted this. I wanted also showbiz, so I had to do everything to do it. I think that’s just the only way. Iba yung want sa need eh. I think this is what I want. Showbiz also, I want. Syempre.
What’s your favorite scene in the musical?
It’s the last scene. Kasi after all diba, that hardship that you go through the whole musical, and the whole string of how you woo Maria Clara, and how Ibarra goes through this whole difficult process of roller coaster emotions of losing his father (which fortunately I cannot relate to), at the end of this whole scene, kumbaga pagdating kay Maria Clara, nare-realize na nakakapagmahal pa rin si Crisostomo Ibarra. Naks! Parang ganun eh! (starts singing a snippet of Ibarra and Maria’s final duet) Mabigat yun eh!
What’s your favourite song?
I actually like the “Damaso” song. Hindi, siguro “Gapusin...” na lang. Yun na lang yung favorite song ko, kasi yun yung pinaka nahihirapan ako na kanta eh. Kasi ang daming nangyayari, parang galit ako na hindi, na naiinis ako na kailangan kong tanggapin, kailangan kong iharap, galit ako na hindi pwedeng magalit dahil makukulong ako. Yun yung nangyayari dun sa kanta na yun, at nangyayari siya in 2 minutes. At ang dami daming salita na 80% of it I started out that I didn’t know what they mean. Like guho, ruins pala siya, mga ganun. (laughs)
What’s the best advice you received? In performing, in theatre or in life in general?
I think [that] you don’t get everything right away. You need to work hard for it. You may be able to cross the bridge, but mas maganda yung makatawid ng bridge na buo lahat ng limbs mo. Na suot mo pa rin yung sapatos mo, ganun, at lahat ng dinala mo dun sa giyera na mauuwi mo pa rin. Hindi yung parang tumawid ka ng bridge na nakahubad ka na, putol na yung paa mo, ganun. Parang hindi ka rin nakatwid eh. You need to prepare before you go to war, before you do this, before you attack this. I think that’s what I did. Hindi ako sasabak dito na hindi ako prepared, and I think that’s what I should be doing in everything. And I think that’s what people should be doing before they proceed with their work. They should always be prepared ahead of time. Parang 2 moves ahead ka dapat, parang chess, para manalo ka.
What’s the best advice you could give?
The best advice I could give is you need to enjoy your work. If you don’t, people will not enjoy also. Another thing that I got good advice here pala is if you don’t see it when you do it, the people won’t see it also.
Mark Bautista as Crisostomo Ibarra in TP's Noli Me Tangere.
So is this your first play or musical?
First musical na play.
And how does it feel?
Ang sarap. Iba yung fulfillment sa stage, sa theater. Iba yung atmosphere, iba yung passion ng mga katrabaho.
What did you do to prepare for your role as Crisostomo Ibarra?
Well, may background na kasi ako since high school, may Filipino na subject. Tapos ngayon, syempre mas lumalim sa tulong ni Direk Audie. Nagkaroon ng characterization, pinaintindi niya sa amin yung character, and then yung story din, and we discussed yung aming ginawa, para magampanan yung role ng maayos. And nag-voice lesson ako. And hindi na ako lumalabas. I mean for the entire month, siguro, hindi ako lumalakwatsa, yung mga ganun. So talagang focus, concentrate ako dito sa play na ito. Actually, mahirap siya. Mahirap dahil hindi talaga ito yung usual na ginagawa ko [tulad ng concert], pero masarap na mahirap, kung may ganung mang term. Pero nage-enjoy ako.
Do you find any similarities between you and your character (Ibarra)?
Woah. Totally different. I think ang kapareho ko lang sa kanya, pag may gusto kaming mangyari sa buhay, gagawin namin. At masunurin din, para sa magulang. Para sa minamahal.
What’s the most challenging thing you had to do in rehearsals?
Rehearsals... Well, nung first kasi, yung adjustment ko, iba. [Kung] kailangan kong mag-adjust sa pagkanta, sa pag-arte. Kasi sa theatre, mas malaki yung acting. At syempre first time ko ring makatrabaho yung lahat ng cast. Malaking adjustment sakin. And siguro yung first week ng rehearsals, yun yung pinakamahirap sakin. And yung pag-memorize, kasi ang lalalim ng Tagalog. Tapos ang mga songs kasi ang tataas, so parang hinahanapan ko siya ng paraan na maabot ko at hindi ako mapagod.
Do you have any memorable experience so far?
Siguro yung first time kong ma-experience yung CCP Little Theater. At ito mismo, Noli Me Tangere, binigay sakin na lead role. Hindi ko makakalimutan yun. At yung kung paano magtrabaho din yung theatre actors. Tatak yun sakin.
You have a pretty busy schedule...
Actually yun din pala yung mahirap. During rehearsals, diba nag-abroad ako... as in sobrang abroad, so talagang malaking challenge.
So how do you balance it?
Well, sa plane, actually may dala akong script... Sa trabaho ko, dala ko yung iPod, nakikinig ako lagi sa plane dahil mahaba yung biyahe. Sa mga train, pinapakinggan ko, memorize. So dito naman, pag may Party Pilipinas, ang hirap din kasi pag Sunday... Saturday may performance, diba? Minsan pag susunod na Sunday, wala ka nang boses, minsan hindi ka na nakakapag-rehearse ng Party Pilipinas. Hindi ko nga alam kung pano ko ginagawa eh. Iniisip ko lang na parang, kailangan kong tapusin itong show na parang, hindi ko na iisipin yung hirap na pinagdadaanan. Kailangan lang siguro i-manage ko yung time ko. After ng mga shows, hindi na magsasalita, matulog ng maaga. Wala nang extra-curricular activities.
May sinabi ka kanina about gusto mong tapusin ito...
In a good way, ha? Gusto kong tapusin na, alam mo yung, iba kasi yung fulfillment pag matapos ito, at iba yung pakiramdam, masarap. Kaya gusto ko ma-feel na yung feeling na yun. Na pagkatapos, wow, nalampasan ko... nagawa ko. Gusto ko ma-feel yung sarap na yun.
Would you do more plays?
Alam mo, at home ako sa teatro. Nung mga rehearsals nga, or every performance, hindi ako yung kinakabahan. Ibig sabihin hindi ako yung natatakot na, “Shucks, ito nanaman...” Parang hindi burden sakin. Parang excited ako lagi.
What’s your favorite song or scene in the musical?
Ang dami. Well, gusto ko yung sa amin ni Padre Damaso, yung ending namin ni Maria Clara. Yung mga ballads na solo, gusto ko yun. Actually yung mga ending ng mga songs, yung talagang parang sinadyang nagging masakit yung mga awitin.
What’s the best advice you’ve ever received?
Well, ang dami kong nakukuhang advice. Una, yung kay Direk Audie. Kasi iba ang acting sa stage, diba? Ang dami niyang tinuro na dapat hindi ako emosyon lang, wala man lang movement sa katawan. Lakihan pa ang movement, or mag-react... [From] Co-stars, sa pagkanta rin, pinagtutuunan ko ng pansin, kasi siyempre iba yung singing dito. Lagi kong sinasaisip na dapat relax lang para di ako mapagod. Dapat may technique. So far, yun.
What’s the best advice you could give?
Siguro dito ko mas lalong naintindihan yung pagmamahal sa trabaho. Pag hindi mo mahal yung ginagawa mo, parang pabigat. And dito sa larangan ng teatro, bawal ang hindi mo mahal ang trabaho mo. Bawal ang nabibigatan ka. Dapat gusto mo, dapat passionate ka.