So is this your first play or musical?
First musical na play.
And how does it feel?
Ang sarap. Iba yung fulfillment sa stage, sa theater. Iba yung atmosphere, iba yung passion ng mga katrabaho.
What did you do to prepare for your role as Crisostomo Ibarra?
Well, may background na kasi ako since high school, may Filipino na subject. Tapos ngayon, syempre mas lumalim sa tulong ni Direk Audie. Nagkaroon ng characterization, pinaintindi niya sa amin yung character, and then yung story din, and we discussed yung aming ginawa, para magampanan yung role ng maayos. And nag-voice lesson ako. And hindi na ako lumalabas. I mean for the entire month, siguro, hindi ako lumalakwatsa, yung mga ganun. So talagang focus, concentrate ako dito sa play na ito. Actually, mahirap siya. Mahirap dahil hindi talaga ito yung usual na ginagawa ko [tulad ng concert], pero masarap na mahirap, kung may ganung mang term. Pero nage-enjoy ako.
Do you find any similarities between you and your character (Ibarra)?
Woah. Totally different. I think ang kapareho ko lang sa kanya, pag may gusto kaming mangyari sa buhay, gagawin namin. At masunurin din, para sa magulang. Para sa minamahal.
What’s the most challenging thing you had to do in rehearsals?
Rehearsals... Well, nung first kasi, yung adjustment ko, iba. [Kung] kailangan kong mag-adjust sa pagkanta, sa pag-arte. Kasi sa theatre, mas malaki yung acting. At syempre first time ko ring makatrabaho yung lahat ng cast. Malaking adjustment sakin. And siguro yung first week ng rehearsals, yun yung pinakamahirap sakin. And yung pag-memorize, kasi ang lalalim ng Tagalog. Tapos ang mga songs kasi ang tataas, so parang hinahanapan ko siya ng paraan na maabot ko at hindi ako mapagod.
Do you have any memorable experience so far?
Siguro yung first time kong ma-experience yung CCP Little Theater. At ito mismo, Noli Me Tangere, binigay sakin na lead role. Hindi ko makakalimutan yun. At yung kung paano magtrabaho din yung theatre actors. Tatak yun sakin.
You have a pretty busy schedule...
Actually yun din pala yung mahirap. During rehearsals, diba nag-abroad ako... as in sobrang abroad, so talagang malaking challenge.
So how do you balance it?
Well, sa plane, actually may dala akong script... Sa trabaho ko, dala ko yung iPod, nakikinig ako lagi sa plane dahil mahaba yung biyahe. Sa mga train, pinapakinggan ko, memorize. So dito naman, pag may Party Pilipinas, ang hirap din kasi pag Sunday... Saturday may performance, diba? Minsan pag susunod na Sunday, wala ka nang boses, minsan hindi ka na nakakapag-rehearse ng Party Pilipinas. Hindi ko nga alam kung pano ko ginagawa eh. Iniisip ko lang na parang, kailangan kong tapusin itong show na parang, hindi ko na iisipin yung hirap na pinagdadaanan. Kailangan lang siguro i-manage ko yung time ko. After ng mga shows, hindi na magsasalita, matulog ng maaga. Wala nang extra-curricular activities.
May sinabi ka kanina about gusto mong tapusin ito...
In a good way, ha? Gusto kong tapusin na, alam mo yung, iba kasi yung fulfillment pag matapos ito, at iba yung pakiramdam, masarap. Kaya gusto ko ma-feel na yung feeling na yun. Na pagkatapos, wow, nalampasan ko... nagawa ko. Gusto ko ma-feel yung sarap na yun.
Would you do more plays?
Alam mo, at home ako sa teatro. Nung mga rehearsals nga, or every performance, hindi ako yung kinakabahan. Ibig sabihin hindi ako yung natatakot na, “Shucks, ito nanaman...” Parang hindi burden sakin. Parang excited ako lagi.
What’s your favorite song or scene in the musical?
Ang dami. Well, gusto ko yung sa amin ni Padre Damaso, yung ending namin ni Maria Clara. Yung mga ballads na solo, gusto ko yun. Actually yung mga ending ng mga songs, yung talagang parang sinadyang nagging masakit yung mga awitin.
What’s the best advice you’ve ever received?
Well, ang dami kong nakukuhang advice. Una, yung kay Direk Audie. Kasi iba ang acting sa stage, diba? Ang dami niyang tinuro na dapat hindi ako emosyon lang, wala man lang movement sa katawan. Lakihan pa ang movement, or mag-react... [From] Co-stars, sa pagkanta rin, pinagtutuunan ko ng pansin, kasi siyempre iba yung singing dito. Lagi kong sinasaisip na dapat relax lang para di ako mapagod. Dapat may technique. So far, yun.
What’s the best advice you could give?
Siguro dito ko mas lalong naintindihan yung pagmamahal sa trabaho. Pag hindi mo mahal yung ginagawa mo, parang pabigat. And dito sa larangan ng teatro, bawal ang hindi mo mahal ang trabaho mo. Bawal ang nabibigatan ka. Dapat gusto mo, dapat passionate ka.
No comments:
Post a Comment