For my first entry for Dramatis Personal, I introduce to you Aldo Glenn Vencilao.
Aldo is a scholar (level 2) in the Tanghalang Pilipino Actors
Company, and is on his third year with them. Last seen onstage as the witty
and endearing Pepe in TP’s Mabining Mandirigma, I sat down with him to chill
and talk over what it’s like as a resident actor of Tanghalang Pilipino.
When did you start acting?
First year high school, sumali ako sa theater org sa
school namin, Paco Catholic School, Samahan ng Artistang Paconian. First production
ko is Lion King the Musical. Ginawa lang namin yun na kami-kami lang. First
character ko yung Rafiki, yung unggoy. Tapos ever since then, nakahiligan ko na
yung theater talaga. Kasi before ako sumali sa theater, hindi ko kasi alam kung
ano talaga ang special talent ko, wala akong masyadong talent. Hindi ko alam
kung saan ako magaling. Mababa ako sa academics, hindi ako masyadong mahusay,
so very mababa ang self-esteem ko. I
felt like, "Ano ba ang gusto ko sa buhay?" Nung pumasok ako sa theater, bigla kong na-discover na, "I'm actually
good at this." Mga mentors ko, maraming nagsasabi na "Ang husay-husay mo, bakit
hindi ka mag-professional theater actor? Ipagpatuloy mo yan, Aldo, kasi may
nakikita kaming something special sa ginagawa mo." So parang wow, for the first
time in my life, nakaramdam ako na merong something special sakin na pwede kong
ibigay ko sarili ko. Pwede kong tahakin ito. From feeling na wala kang kwenta
at average person, suddenly you found your passion.
After Lion King, any other previous theater experiences?
Una muna, nag Villa Teatro ako, na ngayon Silver Stage na.
Ni-stage nila yung apat na classics. El Fili, Noli, Florante, Ibong Adarna. The
same din, with Gantimpala, pero saglit lang ako dun. Mostly ganun before ako
[nag] TP.
What made you decide to try out and become part of Actors
Company?
Yung course ko is Mass Communications, Major in Public
Relations, which is yung mga pinagsisihan ko sa buhay na "Bakit hindi ako
nag-theater? Bakit ito yung pinili ko?" Nag-go with the flow lang ako, na
bahala na, yun na lang ang course na pinili ko. And in a way, dahil sa course
na yun, it made me love theater more, kasi feeling ko hindi talaga para sakin
yun, hindi ko siya gusto, hindi ko love, so mas na realize ko na ang gustong
gusto ko talaga mag theater, mag perform, dahil dun. And so nung pa-graduate
ko, nilapitan ko yung artistic director ng school namin. Sabi ko sa kanya, "Sir, gusto ko maging artist, gusto ko pagka-graduate ko, gusto ko ipatuloy ang pagka-artist ko. Ano po ba ang pwedeng niyong i-advise sa akin para mapagpatuloy ang
pagiging artist ko?" Sabi niya, "Well, actually, Aldo, sa arts, especially sa
theater, walang pera diyan. So, kung naga-assume ka na yayaman ka, ngayon pa
lang, wag ka nang magkaroon ng expectations na yayaman ka sa larangang yan.
Kumbaga most likely at first you’ll be a starving artist. Wala kang pera diyan.
You’ll just do it for the love of it." Pero eventually yun nga daw, magsipag ka
lang, makakaraos ka rin sa phase na ganun.
Hanggang ngayon nandun ako sa phase na ganun, na hinahanapan ko pa rin siya ng paraan kung paano ako magiging financially stable sa ginagawa ko. And sabi niya pa na pumunta sa Tanghalang Pilipino, sa CCP. Yun, so dun pa lang, unang na-imprint na sa isip ko, "Tanghalang Pilipino, magandang pumunta sa Tanghalang Pilipino." A year later, tapos na ako mag Gantimpala, tapos na ako mag Villa Teatro, bigla akong nakakita sa Facebook na post na merong auditions yung AC. Post siya ng friend ko. Sabi niya, "Samahan mo ako mag audition sa Actors Company, sa Tanghalang Pilipino." So sabay kami sa auditions. Hindi siya nakapasok, pero ako nakapasok.
Hanggang ngayon nandun ako sa phase na ganun, na hinahanapan ko pa rin siya ng paraan kung paano ako magiging financially stable sa ginagawa ko. And sabi niya pa na pumunta sa Tanghalang Pilipino, sa CCP. Yun, so dun pa lang, unang na-imprint na sa isip ko, "Tanghalang Pilipino, magandang pumunta sa Tanghalang Pilipino." A year later, tapos na ako mag Gantimpala, tapos na ako mag Villa Teatro, bigla akong nakakita sa Facebook na post na merong auditions yung AC. Post siya ng friend ko. Sabi niya, "Samahan mo ako mag audition sa Actors Company, sa Tanghalang Pilipino." So sabay kami sa auditions. Hindi siya nakapasok, pero ako nakapasok.
In your opinion, ano ang nasa iyo kung bakit natanggap ka
sa AC?
Well, kasi, in terms of my type, parang wala pa sa kanila sa
AC during that time na body type ko, height ko. Kung mapapansin mo yung mga AC,
iba-iba kami ng itsura, diba? Let’s say yung mga dancers sa BP. Diba parang
pare-pareho sila? Pero sa AC, may mataba, may maliit, merong payat... as in
iba-iba. Iba-iba kaming tao. Dahil siguro unique ang aking body type and
persona kaya ako nakapasok sa AC. Nakitaan nila ako na kaya kong sumayaw, kaya
kong kumanta, kaya kong umarte. Tapos personality-wise, I think malaking factor
din yung bibo ako nung auditions, parang they liked me, I guess, kaya gusto
nila akong isama sa AC. Kasi kumabaga makakasama mo itong taong ito sa mga
productions lagi-lagi eh. So kailangan you have to be someone na somehow na
gusto mong makasama.
Tanghalang Pilipino is one of the very few companies in
this country that provides special training for their resident actors. What
kind of training do you get?
Acting classes, movement, merong kaming voice classes,
meron kaming script analysis and theater
for development classes, and may mga special projects naman, nagkakaroon kami
ng mga classes, like may project kami sa UNICEF about spreading awareness about
HIV and gender sensitivity.
Got a favorite class in particular?
Kailangan mo kasi lahat yan eh. Paborito ko yung script
analysis with Sir Dennis Marasigan and voice classes with Sir Ed Simondac.
Anong genre ng voice yung voice class niyo?
Si Sir Ed, mas more on pop siya eh. Pop yung tinuturo niya. Ibang iba yung ngayon
namin, kasi yung ngayon, ang tinuturo samin is musical. Ibang-iba siya, iba
yung technique ang ginagamit niya.
What’s your typical day like? Describe.
Typical day sa AC... Usually may klase
everyday from 1-5pm, or 6-10pm tapos kung meron namang ongoing productions,
magka-klase kami sa umaga tapos sa hapon yung rehearsals. Tapos typical day, wala,
yung the same as what you do in the morning. May klase lang and rehearsals.
How many classes a day ang meron kayo?
Isa lang per day.
You mentioned earlier that other than your classes and
shows, there are other things that you do? May other projects ba kayo on the
side...
Well, as of now dahil Actors Company kami, hindi kami
pinapayagan na magkaroon ng other productions outside especially kapag may
production ang TP. Kumabaga andito ka sa
TP, bakit ka aarte sa iba? Kailangan umarte sa TP, kailangan ka dito. Pero
pwede ka naman rumaket kung meron kang commercials, mga 2 days or 1 day lang na
raket, mga ganun. Basta hindi sagabal sa mga rehearsals. Actually meron kaming kasama ngayon sa Actors
Company, si JV Ibesate. Nung pumasok siya dito, siya yung public relations
officer sa Globe. As in nung pagpasok namin, nag-Globe siya from 7am-12nn
tapos sa hapon nagkaklase. Pero eventually na-realize niya na masyadong hassle,
so mas pinili niya ang TP kaysa sa Globe. So ni-quit niya yung pagiging public
relations sa Globe para umarte. Sa ngayon hindi naman daw siya nagsisisi.
What do you think is the most common misconception people
have about actors, especially dito sa Pilipinas?
I think common misconception is mababaw, tapos yung
tipong pa-gwapo lang, papogi, ganun. And
then naghahanap ng atensyon, na maging famous. Which is hindi naman, kasi marami
na mga seryoso sa craft na ginagawa kasi yung gusto nila. Internal ang
motivation, hindi dahil may gusto silang makuha externally.
What is your core gift, or X-factor, that you believe is
a good asset that can be a great contribution to Tanghalang Pilipino?
Actually hindi ko tini-treat ang sarili ko as talented.
Hindi ko tini-treat ang sarili ko as matalino. Mas marami pang tao na mas
talented, at maraming tao na mas matalino pa. Ang maipagmamalaki ko lang talaga
sa sarili ko is meron akong focus, tsaka meron akong perseverance and
determination. Kung meron mang production na masasabi ko na naging mahusay ako,
hindi dahil talented ako pero dahil pinaghirapan ko yung role ko, inaral ko,
ni-rehearse ko nang ni-rehearse mag-isa, kahit walang director. Yun yung
masasabi ko na asset ko. Not necessarily the talent, kasi mas maraming mahuhusay
yung boses kaysa sakin, mas maraming mahusay umarte, mas maraming mahusay
sumayaw. Maipagmamalaki ko lang talaga, focus and determination.
Among the productions you’ve had with TP, what's your
favorite so far?
Dami eh. Sa ngayon
ang pinaka favorite ko in terms of the process, Mabining Mandirigma. Dahil sa
proseso niya. Na musical siya tapos masarap yung proseso. Na nire-rehearse muna
yung songs, tapos yung sayaw, tapos very collaborative yung proseso. Dun ako
nage-enjoy eh, sa proseso. Not necessarily sa pagpe-perform. Kumbaga ang
pagpe-perform, bonus na lang yan. Pero kaya ako umaarte kasi gustung-gusto ko
yung proseso. Kasi enjoy ako sa proseso. Yung hinahanap ko yung character ko.
Yung nagre-rehearse ako. Nagre-research ako tungkol sa buhay, tungkol sa kung
ano yung meron dito. Dun ako nage-enjoy, not necassrily sa pagpe-perform
talaga.
What’s your favorite character that you’ve done?
Madami… Kung sino man yung character na wino-work ko
ngayon. Yun yung paborito ko. Yung current na character I’m working on.
What’s the most
challenging character you’ve done?
Yung sa Pahimakas sa Isang Ahente. Yung boss ni Willy Loman,
si Howard Wagner. Dahil unang-una, yung ka-eksena ko, si Tata Nanding. Eh si
Tata Nanding is basically my boss, diba? Sa play, kinakawawa ko siya. Eh
nahirapan ako. Halos natagalan din akong nahirapan sa rehearsals kasi di ko
maalis sa isip ko na si Tatang itong kaharap ko. Parang idol ko ito eh. Idol ko
ito tapos boss ko ito. Nahirapan akong makawala doon sa perception na yun. And
si Howard Wagner, boss kasi siya eh. Kailangan kong matuto mas maging dominant,
kailangan kong matutong mas maging assertive, kailangan kong matuto kung paano
mag-handle ng business negotiations. Usually mga characters ko are very
submissive. Medyo kinakawawa, medyo low yung status. Pero this time ako yung
boss, ako yung high status. It's new for me to do that. Tsaka very realistic
yung Pahimakas sa Isang Ahente. Yun ang pinaka-realistic na play na nasalihan
ko.
With what you’ve accomplished with the company so far,
saan mo nakikita ang sarili mo in the next 5 years?
Hindi ko alam. Sa ngayon, I can't speak for myself in the
future kasi hindi ko alam kung anong gusto ko sa kinabukasan. Ang sa ngayon, I
can only speak for myself in the moment, as in right now. Sa ngayon gusto ko pa
mag AC. Sa ngayon gusto ko pa mag teatro. Of course gusto kong maghanap ng ibang
paraan para mas maging sustainable ang pamumuhay ko sa teatro. Pero basically
gusto ko pang umarte. Gusto ko pang mamuhay sa arts. Tapos gusto kong magturo,
gusto ko mag-direct someday. Hindi ko alam. Ang masasabi ko pa sa ngayon, gusto
ko pa. Pero I don’t know, in the future. Baka malay mo magkaroon ng incident na
kailangan ko munang tumigil kasi kailangang kumita ng pera or bigla na lang
ma-realize ko na meron palang much bigger sa akin na gusto kong gawin. Hindi
ko alam. Mahirap pangunahan ang sarili. Kasi maraming na akong kilala na gustong-gusto
nito pero may dumaan lang na something, nawala na diba? So I don't know,
ayokong pangunahan ang sarili ko.
Let’s do something different. Think of one thing that
would best represent you in each of the 5 senses.
Smell:
Lavender. Kasi ako yung tipong chill na tao. I think meron akong effect sa tao, na
magiging chill ka lang. Kaya lavender, kasi relaxing siya.
Touch:
Tubig. Touch ng tubig. Kasi dynamic fluid, tapos hindi mo
masasabi na pwede mo siyang hawakan. Nagbabago siya.
Taste:
Champorado. Kasi it’s very comforting.
Hearing/Sound:
(Starts humming) Yung ambience ng forest.
Any particular sound?
(Whistles like a bird) Huni ng ibon. It just sounds so
relaxing, serene and natural.
Sight:
Color blue. Dark blue. Kasi alam mong may kulay pero
malamig lang siya. Hindi siya intense.
If you weren’t an actor, or if you didn’t pursue theater,
what would you be doing?
If I didn't find theater, of if theater didn't find me, I
would probably be a bum. Or work on some uninspiring job. I feel that theater
has saved me from mediocrity, really.
With what you know you were somehow capable of, saang
industriya ka kaya mapapadpad?
My father wanted me to proceed to law after ko
grumaduate. Lawyer kasi siya eh, di na
siya practicing ngayon, but he works for the government. Baka nag-lawyer ako.
What’s the best advice you’ve ever received?
Actually, ang unang pumasok sa isip ko is yung advice ni
Miss Mailes Kanapi sa akin, na in terms of my choices sa character ko. Yung mga
choices mo, hindi lang dapat nagpapasaya or nagpapatawa or nagpapa-ganun. Dapat
mayroong malalim at mapapabuti sila bilang tao. Kahit masamang character pa man
yan, they would realize something about themselves that would make them better
as a person. Kumbaga yung CCP nga, merong truth, merong beauty, tapos merong
goodness. Yung choices.
What’s the best advice that you can give?
As an actor, fall in love with the process, not with the
results. Kumbaga gawin mo ito hindi dahil sa mga pwede mong makuha. Pero dahil
gusto mo yung ginagawa mo.
In general, life is uncertain... but it’s OK. Just go with
it.
*Photos courtesy of Tanghalang Pilipino and Aldo's Facebook page.
Good job kid
ReplyDelete