If there's one thing I've learned from experience and from other people, it's that sometimes, taking a big leap or just taking that chance will help you find your core gift that will lead you to success. I got to chat with a couple of ladies from the Tanghalang Pilipino Actors Company, Doray Dayao and Lhorvie Nuevo, during one of their breaks from a rehearsal.
How long have you been with the Actors Company?
Doray: Since 2012. Nag-attend ako ng summer workshop,
basic acting workshop, tapos after nung
summer, ininvite ako maging part ng AC.
Lhorvie: Ahead siya [Doray] sakin ng 1 year, so 2013.
Doray, you mentioned na nag-start ka sa basic acting
workshop in TP, pero when did you really start acting?
Doray: Wala, wala akong background sa acting. Even sa
high school, hindi ako sa arts.
So bakit pinili mo yung workshop?
Doray: Parang iba lang siya. 14 years na
ako sa corporate world. Tapos nag-resign ako. Gusto ko kasi ng ibang ginagawa
naman. Usually kasi nage-enroll ako sa
mga personal development skills. Kung anu-ano, minsan photography, mga foreign
language... Nung nagwo-work pa ako, kung anu-ano, mga dancing, mga ganun. May sports din ako. Pag wala kasing office
yun eh. Nasanay ako na balanse dapat yung life mo, diba? Tapos naisip ko, anong
gusto ko gawin after nito? Iba naman, try ko mag-act, kasi mahiyain ako, may
stage fright ako. So gusto ko lang i-try. Tapos yun na, nag-enroll ako sa basic
acting workshop.
Lhorvie: Ako naman, nung college talaga, nagsasayaw. Kasi
dance theater yung group namin. Tapos nung mag-OJT na ako--kasi Mass Comm yung
course ko--may kilala ako na nag-OJT siya dito [sa TP]. Sabi sakin, "Sige, mag-OJT
ka dun." Tapos sabi ko, "Eh, gusto ko pumasok sa BP [Ballet Philippines]." Sabi
niya, "Oo, pwede rin sa Tanghalang Pilipino, sumasayaw din sila. Contemp nga
sinsasayaw nila, hindi ballet." Tapos may nag-invite sakin, eh nag-OJT ako.
Nakapasa ako. Tapos nung pagdating ko dito, theater pala siya, so ayun lang,
sobrang iba yung culture.
Doray: Nag-start talaga yung interest ko sa theater nung
napanood ko yung Miss Saigon, kasi never akong nakapanood ng theater. Nung
college, parang once lang. Tapos nung napanood ko yung Miss Saigon,
manghang-mangha ako kasi ang galing. Alam nila kung anong gagawin, kung saan
sila pupunta. Bakit alam nila ang gagawin, aarte-arte, ganun? Tapos yun,
nagstart na. Ma-try ko nga. Tapos gusto ko nang makapag-perform sa totoong
stage.
What made you decide to join AC?
Doray, Lhorvie: Try lang!
Doray: Tapos sabi may kontrata daw. Tapos nag-isip ako, may
kontrata, so ibig sabihin hindi ako pwedeng umalis ng one year, pano kung
maisipan kong mag-work ulit. Tapos tinry ko lang, tapos yun na, tuluy-tuloy na,
hanggang ngayon, andiyan pa rin.
Lhorvie: May nag-invite sakin na, "O mag-audition ako,
mag-audition ka rin." "Ay, diyan ako nago-OJT." Tapos nung audition na, akala
ko kilala ko yung mga magpa-panel, hindi pala. Sila Sir Tuxqs, dun ko lang sila
na-meet. Nagulat ako.
In your opinion, what does it take to be part of the
Actors Company?
Doray: Malaking responsibilidad. Syempre scholar kami
dito. As an AC, yun yung privilege namin dito. Meron kaming classes, so
naho-hone yung skills namin sa singing, acting and pag-analyze namin ng mga
plays, mga stories, dancing. And then syempre nakakasama ka sa mga productions
na kasama mo rin yung mga magagaling na artists. So may natututunan ka rin from
them.
Lhorvie: Bukod dun kasi sa acting, dancing at saka voice,
ang dami rin naming ginagawa. Nagpa-puppetry kami (gestures to the Prinsipe
Munti props scattered around). Tapos may mga advocacies pa kami na dinadala
namin sa Pasay, sa Leyte... So ang daming responsibility. Kasi TP lang yata yung may
mga classes, ganun.
Doray: Tsaka hindi lang acting. Backstage
din. So nag-SM kami, nag-lights, technical.
Lhorvie: Tsaka hindi pwedeng masama ugali. (chuckles) Kailangan
mabuting tao ka sabi ni Tatang.
What’s your core gift, or X-factor, that you believe is
an asset as part of AC?
Doray: Siguro ako kasi yung isa sa mas matanda dito,
siguro mas matured na siguro kami, and dumaan na kami sa mga edad nila.
(laughs) Mas ahead nga, mas senior. Pero in terms of
acting, syempre learning pa rin. Tuluy-tuloy pa rin.
Lhorvie: Kasi sa AC, iba-iba talaga yung kung saan kami
nage-excel. May acting... Si Ate Doray, acting at saka stage management. Sa akin
kasi, mas malakas talaga yung urge kong magsayaw. Nasa movement talaga. Nung
unang-una pa, hirap na hirap ako. "Pano ko gagawin ito? Hindi naman ako
actress. Kailangan sumasayaw ako." Tapos may nagsabi sakin na kung ano yung
ginagawa mo sa dance, kung ano yung preparation mo, kung ano yung mas malakas
sayo, gamitin mo yung strength na yun para ilipat siya sa acting. So parang feeling mo isinasayaw mo yung mga
linya. Sobrang laking tulong nung pinag-aralan ko sa dance tapos nadala ko siya
sa theater. Magkaiba silang dalawa pero napagsasama mo.
How do you think your lifestyle changed since joining AC?
Pano kayo nag-grow?
Doray: Iba yung schedule. Dati 8 to 5.
Lhorvie: Sobrang nabawasan talaga yung lifestyle, kasi
yung before, nakakapagkita pa ako sa mga friends ko, nakakauwi pa ako sa bahay
ko araw-araw, sa Dasma. Ngayon hindi na. Kasi from kunwari sisimulan namin ang
isang araw ng alas diyes, matatapos kami ng alas diyes kasi yung 10am na yun,
may meeting, tapos sa 1pm may klase kami, may rehearsal, tapos the next day
iba nanaman yung gagawin. Sobrang busy.
Doray: Nag-iba lang yung oras. Tapos walang late. Social
life nabawasan ng konti.
Do you think nag-grow kayo as a person habang nasa AC?
Lhorvie: Sobra. Kasi before, parang war freak kasi ako
dati. (chuckles) Parang pag may kinainisan ako, talagang aawayin ko, pero
ngayon, hindi, kailangan intindihin ko muna. Maging mabuting tao, sabi ni
Tatang. Maging magandang halimbawa. Yun kasi yung laging sinasabi ni Tatang.
Hindi ka lang actor, kailangan mabuti ka ring tao, so dapat pinapakita mo na
ganito yung mabuting tao. Tapos pumupunta pa kami sa ibang lugar para tumulong
sa mga [nasalanta ng] Yolanda, yung mga ganun. So sobrang overwhelming yung
natatanggap namin, at the same time, natututo kami. Sobrang dami naming
natututunan.
Doray: Sa amin dati kasi diba may boss ka, tapos may
staff ka rin. Dito kasi, ano kaya ang pwede mong magawa? Hindi lang to entertain, may cause din yung
pag-aarte eh. So pwedeng political side, educational, or cultural... Kasi dati,
syempre for profit, nagtatrabaho ka para kumita, and then syempre basic needs
mo. Dito, hindi mo na naiisip yung kikitain mo eh, yung passion mo na lang na
umarte. Tapos kung ano yung pwede mong lesson or inspiration na mabigay sa
audience mo.
What’s your favorite production so far?
Doray: Ako, first time ko kasi mag-SM sa Mabining Mandirigma.
So nakita ko yung side ng pagiging SM. And malaki kasi yun eh, musical pa. Ang
daming nangyayari. So isa siguro yun.
Lhorvie: Feeling ko, Melanie. Kasi nga advocacy play, so hindi
lang kami para mag-perform, para rin nagbibigay kami ng knowledge sa mga tao
tungkol sa HIV, bakit at paano nahahawa. Kasi maraming misconceptions sa HIV.
So hindi dahil sa bongga yung production, kundi yung laman niya. Yun yung
maganda sa kanya, kasi maraming natututo.
What’s your most challenging role?
Doray: Sa Pahimakas sa Isang Ahente. Kasi hindi talaga ako
sanay sa pagiging “woman”. Basta pokpok, nahihirapan talaga ako. (laughter)
Basta yung mga sexy scenes.
Lhorvie: Ako sa Sandosenang Sapatos. Kasi yun yung first
ko na musical production sa professional theater. Akala ko, aarte lang talaga
ako. Yun pala kakanta rin! Wait lang po ha, hindi rin ako kumakanta (laughter).
So feeling ako ang pinaka-problematic dun sa Sandosena. Kasi nga yung tono, dun
ko lang na-meet si "tono." (laughs) Hindi ko siya kilala dati. Habang kumakanta
kami, performance na, gumaganun sila (snaps and claps to a beat). So yun yung
pinaka-challenging, kasi unang-una. Tapos feeling ko na-trauma ako sa musical.
(laughs)
Doray: Tapos may rollerblades pa, may sayaw pa.
Lhorvie: At saka kung paano ka magiging playful. Tapos yung
mga edad namin, na-realize ko lang din na yung mga sapatos, mga one-year-old... hanggang 12 years old lang yung mga sapatos. Eh kaming mga 22 na, paano kami
babalik sa pagkabata?
In the theater industry, who do you look up to? Role
models?
Lhorvie: Dito syempre, unang-una, si Miss Shamaine
[Centenera-Buencamino]. Tsaka si Miss Irma [Adlawan]. Nung nakatrabaho kasi namin
nung Juego, dun ko lang na-realize na ang galing niya, sobrang galing [ni Miss
Shamaine]. Tapos dun ko lang na-realize na may idol pala ako pagdating sa
acting. Kasi dati, wala talaga eh. Tapos pag kinausap mo sila tungkol sa character
nila, alam na agad nila. Kunyari first reading pa lang, performance level na,
pwede na siyang mag-show. Pano nila nagagawa ito? Tapos sasabihin nila, syempre
with practice. Kasi it takes time. Tapos nakakatuwa lang, kasi dito sa TP,
nagkakaroon nga kami ng chance na yung mga idol namin, nakakatrabaho namin,
kahit hindi pa co-actor, maging SM ka nila, ganun. So sobrang maraming
matututunan. Hindi lang galing sa teachers kundi sa hands-on training namin pag
nakakasama namin sila. Ang daming ideas. Lalo na si Miss Irma rin.
Doray: Nakikita mo na lang yung galing nila pag
nakatrabaho mo na. Pati si Tito Dido [dela Paz], reading pa lang, my gosh, may
ganun na. Kasi pag nakita mo, ang galing pala nito. Hindi naman ako yung tao na
kailangan panoorin ko ito. Sakin kasi lahat naman ng tao, may sariling galing. Kahit
ikaw naman, kung anong tingin mo sa sarili mo, kung gusto mo maging ganito,
nasa iyo naman yun eh. So feeling ko lahat naman magaling.
After your accomplishments in AC so far, where do you see
yourself in the next 5 years?
Doray, Lhorvie: Umaarte pa rin! (laughter)
Doray: Mas busy na, siguro mas marami nang project
nun. Marami nang involvement.
Lhorvie: Feeling ko dito pa rin. Mas marami na nga lang
responsibility kasi syempre hindi kami mag-stay lang na scholar lang forever.
Pagdating mo ng member, parang hindi na lang yung sarili mo yung cargo mo.
Syempre kailangan mong tumulong dun sa mga lower batch. Kasi marami pa kaming
gagawin eh. Feeling ko marami pang gagawin ang TP.
Doray: Tapos once in a while, nagtuturo rin kami. At kami
rin, continuous pa rin naman yung ginagawa namin.
Lhorvie: Kasi para sakin, hindi nakakasawa yung mag-stay
dito sa TP, kasi sobrang iba-iba yung ginagawa mo palagi. Ayun nga, nag-SM
kami... ang dami-dami naming nakikilalang tao, nagtuturo kami sa iba’t ibang
lugar.
Doray: Tapos later, magwo-workshop din kami.
Lhorvie: Kami naman yung participants.
What’s the best advice that you ever received?
Doray: Improve yourself. And compete with yourself.
Lhorvie: Kailangan daw, pag actor, hindi self-centered.
Hindi ka para dito kung para lang sa sarili mo yung ginagawa mo.
What’s the best advice you can give?
Lhorvie: Listen. Lagi ka lang makikinig. Dapat
disiplinado. Kasi hindi ka magtatagal sa theater kung wala kang disiplina.
Catch these ladies in Tanghalang Pilipino's Mga Buhay Na Apoy, still running at the CCP Little Theater for 2 more weekends (Oct 16-18, 23-25). For tickets and information, call Tanghalang Pilipino at 09178763678 / 09273629081.
No comments:
Post a Comment