Tuesday, November 25, 2008

On Tad's Philstage citation.

Hahaha, I just had to re-post this. Lifted from Sir Tim Dacanay's blog...


Pagpugay sa aktor sa aking dula

Nanalo si Jonathan "Tad" Tadioan sa pagganap niya bilang Congressman Chok Villanueva sa dula kong "Pamantasang Hirang." 

Natuwa ako sa ginawa niya sa dula, reading pa lang ay sinabihan ko na ang direktor naming si Hazel Gutierrez na napako na ni Tad ang role.  Tanda ito ng kasipagan at pagiging masinop ng aktor. Sa rihersal ay binibiro ko siyang, "Breakthrough play mo ito! Kaya sulatan mo rin ako ng magandang dulang malalabasan ko bilang aktor."  Minsang binisita ng mandudulang si Anna Gonzalez ang rihersal ay lumabas siya sa kuwarto sa lakas ng dating ng pagganap ni Tad.

Pati si Layeta Bucoy ay ni-request makamayan ang aktor pagkatapos ng isang palabas sa Virgin Labfest dahil nagka-interes siya sa dula noong unang pinabasa ko ito sa Writers Bloc. Kaya inintroduce ko sila: "Layeta Bucoy, meet Congressman Chok Villanueva!"

May pinanggalingan kaming masamang karanasan ni Tad bago ang pagganap niya sa "Pamantasang Hirang." Sa Virgin Labfest 3 ay kasama siya ng mga Tanghalang Pilipino actors na gumanap sa staged reading ng aking "Teatro Porvenir." Lumundag siya sa lower stage level na tumumba naman. Nabagok siya sa gilid ng stage at tumulo ang manipis na dugo sa ulo. Ngunit dahil propesyonal siya ay di niya ito pinahalata at tuloy tuloy ang kanilang pagpapalabas. Nalaman ko na lang pagkatapos. Nag-sori siya sa akin dahil nasira ang eksena. "Play lang iyan," sabi ko. "Kalusugan mo ang mas importante."

Bawi siya sa Virgin Labfest 4.

Proud ako pag napapansin ng mga kritiko ang mga artista sa mga dula ko dahil doon din ako nanggaling. Sinisiguro kong sa paggawa ng tauhan ay sulit at challenging ang gagampanan ng mga aktor.

Congrats, Tad! You deserve all the accolades that come your way!


===============
Mula sa gibbscadiz.blogspot.com:

Philstage Gawad Buhay! Awards third-quarter citations, 2008

Following is the complete list of Gawad Buhay! citations for the third quarter of 2008:

....OUTSTANDING MALE LEAD PERFORMANCE (PLAY)
Arthur Acuna, The Golden Child
Joey Paras, Ang Bayot, ang Meranao, at ang Habal-Habal sa Isang Nakababagot na Paghihintay sa Kanto ng Lanao del Norte
Arnold Reyes, Ang Bayot, ang Meranao, at ang Habal-Habal sa Isang Nakababagot na Paghihintay sa Kanto ng Lanao del Norte
Jonathan Tadioan, Pamantasang Hirang (TP/VLF4)
==============

Photo by Yong Tapang


Teeheehee... just darn proud of him, that's all. =)

7 comments: